Linggo, Pebrero 24, 2013

Ang Doktrina ng Grammar Nazism

ANG DOKTRINA NG GRAMMAR NAZISM

ni Carpa de Pluma



Ako si Carpa de Pluma. Ako ang awtor ng blog na 'to. At ako ay isa sa sandatahang-lakas ng mga walang magawang obsessive-compulsive na feeling English majors na ang tanging kaligayahan sa buhay ay makapag-correct ng grammar ng iba. At pati speling di pinapatawad.

Ehem. *Spelling.

Oh, Hail Spellcheck!
Ang mga Grammar Nazi ay, katulad ng kasasabi ko lang, mga taong kumakalaban sa mga kahiya-hiyang chatspeak na sumisira sa dangal at masining na anyo ng wika at retorika. At sa mga unprofessional na madalas makasira ng ulo ng kahit gaano ka-patient na spellcheck (Ang Spellcheck ay ang sinasambang diyos ng mga Grammar Nazi).

Madalas iniisip ng mga Grammar Nazi na sila ang protectors ng Internet mula sa kasamaang dulot ng mga Jejemon at ng mga ignoranteng anglakas maka-English e English Carabao naman. Kami ang tagapagligtas ng Internet mula sa mga walang pinag-aralang Englishinger. Pero depende rin sa observer, dahil kadalasang namimisinterpret ng mga tao ang dakila naming hangarin: isang Grammar Holocaust.

sa post na 'to, gigisahin natin, susunugin natin, ikokondena natin, ipapasalvage natin, ililibing natin ng nang buhay at gigilitan ang ilang mga nakakaasar na grammatical errors na matatagpuan sa makulay at masalimuot na mundo ng Internet. Haaay. . .

"WHY AM I A GRAMMAR NAZI? WHY ARE YOU SPEAKING ENGLISH INADEQUATELY, THEN?"




*I; *who's; *who's.
Itong isang quote na 'to, nakita ko lang kung saan. Medyo may pagka-rant ang dating kasi parang may pinatatamaan. Ano 'to, sa sobrang galit, di na natingnan ang grammar?

Unang-una, dapat capitalized ang pronoun na "I." E pucha pala.

AH! Overload! Overload!
Pangalawa, ang WHOSE (ayan, bold, italic, all caps pa) ay nag-i-indicate ng possession. "Whose bag is this? "Mine." So ungrammatical ang "whose real and whose fake!" Natawa nga ako rito. Ang tama ay "who's real and who's fake!" kasi nga, iyun, "who's" is a contraction of "who is."

Pero mag-move on tayo mula sa una nating entry. Itong pangalawa nating gigisahin ay tungkol sa tamang paggamit ng "it's" at ang pagkakaiba nito sa possessive na "its."

*its. Please. Pakitama.
Ang wrong grammar mistake grammatical error na ito ang isa sa pinakamadalas gisahin ng mga Grammar Nazi sa Internet. Masasabing kontrobersyal, dahil kahit anong suppression efforts ang gawin, meron parin pa rin talagang makukulit na dukhang ipinipilit ang nais nila.

Bakit mali? Unang-una, ang "it's" ay contraction ng "it is," na ginagamit sa mga sentences tulad ng "it's a cat," "it's true," et cetera. Samantala, ang "its" ay isang possessive pronoun, e.g. "The snail can withdraw itself into its shell at will for defense." Sa Internet, paniguradong di 'di lang ang sign na ito ang makikitaan ng ganitong error, kung 'di maraming pang ibang bunga ng masidhing kaignorantehan.
My grammar just died.

Feeling ko nawawala na naman ang pananalig ko sa sangkatauhan sa kabila ng nakaraan kong post. T^T

Let's continue.

Ang quote na ito ay isang kahiya-hiyang ehemplo ng mga taong nagpopost ng mga bagay na may typographical errors at wrong spelling, na sa kasamaang palad ay naikakalat sa Internet ng mga taong naghahanap lang ng aliw rito.
*missed call

Seryoso, 'di ba dapat "missed call" ang spelling nun? Seryoso, seryoso ka ba dyan sa pinaggagagawa mo? HA?! Sabihin mo! Ano, gusto mo away? Tawagin mo pa buong angkan mo, kampi kami!

*MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MISSED CALL. *MIIIIIIISSSSEEEDDD-F******CKIIIIIIING-CAAAAALLLLLL!!!! (Ungrammatical ang ganuong pag-rant, pero bayaan mo na.
Kayo na'ng humusga.

Etong next entry e. . . well, wala nang pag-asa. Para nang terminal cancer ang dinaranas ng grammar nito. Simulan natin ang panggigisa.

*customers
*softdrinks
*DON'T PUT ON MACHINES. Literal translation: wag magsusuot ng mga makina.
*a risk
*cooperative
*Don't hit machine with showing emotional. ANUDAAAAAAAWWWWWW??????!!!!!!!!!!

Next entry. Seryoso, sa sobrang lala nito parang nangingimi na 'kong patulan. Pero anyway, dahil nga sa di ako mapipigil ng awa, eto. Killjoy na kung killjoy:

Leche.
*repair
*machine
*refrigerator
*electric fan
*oven toaster
*flat iron
*others

Personally, gusto kong ipaayos yung washing nachine saka electrect pan sa bahay. Hmmm.


Vertical Parking! What the hell!
Next entry. Vertical parking daw. So, matatanong nyo, mayayamot ka ba o tatawanan mo na lang bago ka mabaliw? Kung ako tatanungin? Ewan ko. Baka magpakamatay nalang ako. Much probably. Much probably.

Pero kung hanggang ngayo'y di pa nawawarak ang utak mo, humanda ka na sa pinakamalupit.
Omg your so flowing in English Im envied to you!
Are you are a English majors?

Rules to be follows at Isla Beach Resort (buti na lang di nila na misspell ang "beach." 'Lam mo na).

Well, simulan natin.

*Keep an eye on your valuables. The management will not be held liable for anything lost.
*Dispose of all trash, such as plastic and cellophane, in the sacks that hang in the tree.
*biodegradable waste
*Please don't throw bones, candies, ice cream wrappers (ICE CREAM POP?), fruit peelings/seeds, and cigarette butts anywhere. Throw them in the garbage [sacks].
*break
*especially
*Once you are caught
*Stay in your respective cottages.
*Once you are caught staying in another cottage, you will be required to pay for it likewise.
*During eating time, please don't stay or sit inside other cottages, so that we may know which cottages are still available for newcomers.
*Let us observe discipline.
*followed.

Omg I so noseblooded in corecting that so many errors taht wrong mistake! O my goodnesses! I cant takes it! Omg i am died all most!



"ANG WIKANG CHINGLISH, BOW."

Sa sobrang notable ng parteng ito kailangan ko syang bigyan ng sariling subsection.

Ang susunod natin namang mga entry ay examples ng Chinglish, o Chinese English. Alam kong di naman priority ng karamihan ng mga Instik Itsnik Istnik Chinese ang pag-aaral ng English, pero matawa na nga lang tayo sa ilang mga grammatical failures nila. No offense.

Chinglish. So interesting.
  1. WAITING WILL BE PROSECUTED. Owshit. So bale, kungwari, nag-iintay ako ng limousine (naks!) pauwi, pwede akong hulihin? Give me a break.
  2. DEFORMED MAN TOILET. Ano raw? Ito ang toilet ng mga apat ang butas ng ilong, tatlo mata, at uhm. . . you name it.
  3. FUCK THE CERTAIN PRICE OF GOODS. Well, agree ako dyan.
  4. A SIGHT-SEEING TOILET. Umuulan ng kasosyhan sa ibang bansa. Ba't wala nyan sa Pinas?
  5. LET YOUR HEAD KNOCKED (HERE). SLGIPPY FLOOR AHEAD BECARE FOR. No comment. Di kinakaya ng aba kong diwa ang lahat ng bagay na ito.
Iyun. Saya no? So, magpatuloy tayo.

Pero, mga kaibigan kong dukha, dapat malaman nating lahat na mayroong legit na Grammar Nazi, at mayroong Grammar Nazi lang sa turing. Sila yung mga di naman talaga ganun kagaling sa wikang Ingles pero dahil masyadong KSP e gusto kang itama lagi.

"ANG MGA JAPEYK NA FEELERS NA GRAMMAR NAZI KUNO!"


*you're
Para malaman kung sino ang Grammar Nazing totoo at ang Grammar Nazing shetpaks lang, pag may mahaba sila kungwaring status sa Facebook, commentan mo ng: "grammatical errors: 4," tapos magkukumahog na syang hanapin yun kung japeyk lang sya. But a genuine Grammar Nazi, the real deal, the anointed ones, will simply calmly comment back: "Would you kindly point them out to me, good Sir?" tapos malalaman mong nagbackfire lang sa 'yo ang pangto-troll mo.

Japeyk na Grammar Nazi in action
So where was I? Ah, di lahat ng Grammar Nazi e legit na Grammar Nazi kasi marami, gaya ng sinabi ko, e papampam lang sa Internet. Papansin kay crush kungwari English-Major-in-the-making ang arrive. Oo, madalas ganuon, at madalas, napapagkamalan silang tunay na kaanib ng kilusan. Sorry pero, shet, di pwede ang mga papampam sa sandatahang-lakas.

Isang proof ng japeyk na Grammar Nazi ang inilakip ko sa post na 'to, iyan sa gilid.

Bilang Grammar Nazi, tungkulin naming pangalagaan ang kaayusan sa paggamit ng wika, mapa-English man o Tagalog o kahit ano pa man. Heil Grammatik, ika nga. Pero bakit ba parang namimisinterpret ang hangarin namin?

"KAMI PO ANG KILLJOYS NG INTERNET. . ."


Madalas sabihing walang magawa ang mga Grammar Nazi. Ako, actuall, wala ring magawa.

Pero bakit ba killjoy ang mga Grammar Nazi? Tinanong natin ang mga eksperto.

* "Una, kasi sinisira nila yung athmospear atmohspeere atmosphere ng humor. Iyun, I just notticed noticed this ricently recently, na para bang nasisira yung esencce essence ng joke. Alam nyo na, yeah, I agree na their there they're very knowledgeable sa English, pero minsan parang nadadampen nila yung core ng joke, hanggang yung pinaka-spirit nun e parang nagdi-disifate dissipate na rin."--Carpa de Pluma, internationally-acclaimed author

* "Them r haz no lyf." --lolcat 1

* "They'z all idietz who r haz no lyf."--lolcat 2

* "hUll03Ww PfHo3 t0 4lL Of YhoU! L3t'zZ bHi3 t3xztM8tz!"--Jejemon

* "@Carpa de Pluma tl;dr" --Random guy

Well, that's the internet.

Pero ano ba, let's get real. Nobodys Nobodies' Nobody's perfect. Lahat tayo pwedeng magkamali sa grammar, o sa buhay. Ano ang kaalaman kung walang nakikinig na kaibigan (HUWAAAW!)? Kahit sa labas ng teh internets, lahat pwedeng magkamali. Ako nga naflush ko yung isang buong sabon kasi kala ko ebs.

Pero anyway, lagi lang nating tandaan na hanggang di napupurga ang Internet ng mga kabalbalan sa grammar, eto kami't naghihintay, di nag-aabang ng kapalit. . . mga bayani ng kaayusan at sistema.



Ang Grammar Nazis. <insert really dramatic music>

P.S. Note to self: ang spelling errors ay di grammatical errors. Kung gayon, ako pala ay isang All-Purpose Correct English Nazi! Lol.

God bless evrywun.


*Everyone

Sabado, Pebrero 23, 2013

Faith In Humanity Restored

FAITH IN HUMANITY RESTORED

ni Carpa de Pluma


(Unang-una, credits sa mga may-ari ng pics na ito, gaya ng mga iba pang pics na binibingwit ko sa Google para sa blog na 'to. Peace tayo.)

Kindness by Naomi Shihab Nye

Before you know what kindness really is,
You must lose things,

feel the future dissolve in a moment
like salt in a weakened broth.
What you held in your hand,
what you counted and carefully saved,
all this must go so you know
how desolate the landscape can be
between the regions of kindness.
How you ride and ride
thinking the bus will never stop,
the passengers eating maize and chicken
will stare out the window forever.

Before you learn the tender gravity of kindness,
you must travel where the Indian in a white poncho 
lies dead by the side of the road.
You must see how this could be you,
how he too was someone
who journeyed through the night with plans 
and the simple breath that kept him alive.

Before you know kindness as the deepest thing inside, 
you must know sorrow as the other deepest thing.  
You must wake up with sorrow.
You must speak to it till your voice
catches the thread of all sorrows
and you see the size of the cloth. 

Then it is only kindness that makes sense anymore,
only kindness that ties your shoes
and sends you out into the day to mail letters and 
     purchase bread,
only kindness that raises its head
from the crowd of the world to say
it is I you have been looking for,
and then goes with you every where
like a shadow or a friend.

Ganito na lang ba ang mundo?
Mahirap mang isipin para sa iba, ang mundong ginagalawan natin ay isang mundong mukhang wala nang pag-asa. Kaliwa't kanang patayan, inggitan, bangayan, at pasaringan. Dumadami ang mga napapariwara ng landas, at pati na rin ang bilang ng mga babaeng kung magpantalon e halos wala nang tinakpan sa katawan. Minamagic ang mga pondo ng gobyerno, may mga mamamahayag na tinotodas, may mga karapatang sinisikil. Puro pandaraya na lang yata ang alam ng tao?

Minsan, sinusukuan na ng iba ang sangkatauhan. Meron pa ngang sa sobrang dismaya sa mga kapwa-tao nakukuhang sabihing "I don't want to live on this planet anymore". Pero diba dapat magdalawang-isip muna tayo? Masyado namang naje-generalize ang sangkatauhan nyan. Di naman lahat ng tao masama, gaya na lang na hindi lahat ng may hawak na iPhone e mayaman na.

Justin Bieber Singing Toothbrush.
Mga bagay na ganito ang sumisira
sa pananalig natin sa
sangkatauhan.
Faith in humanity restored. Iyan ang nakikita nyo title ng post ko. Tumingin tingin ako sa Net ng mga kwentong gan'to, kasi madalas kong makita sa Imgur ang mga istoryang tungkol sa mga "salt-of-the-earth", ang iilang tapat at mabubuting tao ng Earth, ang mga anghel at bayani ng mundo sa kanilang maliit na paraan.

Ilan sa mga kwentong to ang isasama ko sa post na ito para ipaalalang may pag-asa pa (kaya nga alam natin kung kailan may bagyo e! Lol!)

"MAGPARAYA."


Magparaya. Bakit ba anghirap maintindihan to para sating mga tao? Isang salita lang naman diba? Pero bakit ba napapangunahan tayo madalas ng crab mentality?

Baseball.
Medyo malalalim ang idadakdak ko pag pinagpatuloy natin ang diskusyon tungkol rito, pero ang isang napakagandang prinsipyong ito e naipakita sa isang simpleng paraan: sa pamamagitan ng isang laro.

Etong picture sa gilid ang tingnan nyo. Isang araw nasaktan ng batter (yung batang nakapulang karga-karga nila) ang sarili nya gamit ang sariling bat (ang talino, seryoso) at nagka-injury. So ano ngayon? Ito. Imbes na hayaan syang maghirap, dinala sya ng dalawang kalaban para "matakbo" nya ang mga base ng diamond.

Ang simple ng moral. Minsan naiimpeksyon tayo ng kompetisyon kahit sa mga laro lang na ito. Lahat naman ng tao gustong manalo! Pero minsan may pagkakaiba ang pakiramdam ng nanalo sa pakiramdam na may ginawa kang mabuti. Tama ba si Carps?

"ILIGTAS SI BANTAY!"


Etong pangalawang istorya e sa Marikina lang nakuhanan.


May alaga ka bang pusa o aso o kahit ano? Yung totoo, gaano mo naman kamahal ang alaga mo? Nakakatawa bang tanong yun? Kung nakakatawa ito para sayo, baka di mo ganuon kamahal sila gaya ng taong to.
Dapat awardan ang taong to.

Di lang ako sigurado kung ano nya ang mga aso, pero anupaman, hats off dapat tayo sa kanya. NAKIKITA NYO BA KUNG GAANO KATAAS ANG BAHA! Papatay ng tao sa lakas ng agos yung tubig! Tapos iilang aso ang sinusubukan nyang iligtas kahit buhay nya ang nakataya! Kaya dapat me award tong tao na ito e!

Kahit napakaganda ng hangarin na ito, baka magdalawang isip muna ko bago ko iligtas yung mga aso. Pero sya! Siguro ganuon nya kamahal ang mga kyut na nilalang na ito. Sa bagay, tao lang ba ang may karapatang makaligtas sa ganitong mga sakuna? Kaya siguro higit pa sa isang masigabong palakpakan ang deserb ng taong to. I salute you, kung sino ka man!

"ANG TSINELAS NI MANONG FOREIGNER"


Ikaw kaya maisip mong gawin to? Lalo na sa isang estrangherong palaboy-laboy sa daan? Ako syempre, dahil isa kong mabuting tao, oo, gagawin ko (weeeh!!!!).

Sa picture na ito ibinigay ng isang foreigner na turista ang kanyang tsinepin sa isang palaboy. Naiiyak yata sa tuwa yung pinagbigyan.

TSINELAS .
Ang isang tao daw ay malalakad ang distansyang katumbas ng apat na beses ng circumference ng mundo sa buong buhay nya. Imaginin mong lakarin ang isang malaking bahagdan nun nang walang footwear! Ha! Di kaya ikaw ang maging Hari Ng Kalyo? Kaya di ko maisip ang ibang taong di maisingit ang pambili ng sapin sa paa. Yung iba sinuswerteng mapagkalooban ng tsinelas ng "Eto-Tsinelas-Saksak-Nyo-Sa-Baga-Nyo-Mga-Dukha" program ng isang mapagkawanggawang TV Show.

Pero pwera biro, masasabi mo mang simple lang ang ginawa ng mama, isa parin itong napakalaking tulong sa receiving end. Aba, ano ba kailangan? Kailangan ba para masabing charity e yung talagang nasa studio ka at nagpapaulan ng pera tapos with matching mga babaeng halos wala nang damit? Ganun ba? Syempre hindi! Sa tingin ko itong isang picture na to e mas sincere pa kesa sa iba dyang. . . ehem.


"LIBRENG KURYENTENG PANGCHARGE!"

Eto ang huli para sa post na to.

Sa tingin ko napakathoughtful naman ng taong to para ilabas ang sariling outlet ng libreng cellphone charging. Di ko pangangahasang gawin to. Paano kung may makiplantsa? Magsaksak ng TV o ng Wii?

Pero di yun inisip ng huli nating bida. Inisip nya sigurong makatulong muna para sa mga dukhang walang mapagcharge-an pag emergency, kaya eto, para syang isang anonymous na superhero. Baka di kayang gawin ni Kidlat ang gantong paghahandog ng kuryente para sa iba.

E ano naman bang presyo itong pagbigay ng konting kuryente sa sayang maidudulot nito sayo. Katulad ko, kung gagawin ko to, sisiguraduhin kong magshoshort-circuit para tepok ang gagamit. Mwahahaha.

So there you have it. Ang mga litratong saksi sa kabutihang loob ng mga bayani't anghel na di natin kakilala at di mapaparangalan ng higit pa rito: ang mga isinabuhay na turo ng isang Nakatataas.

God bless everyone.

Confession: Ang Sarap Mag-Dota

CONFESSION: ANG SARAP MAG-DOTA

ni Carpa de Pluma


Hige, hataw pa! Gusto nyo yan e!
Sa lagi na lang kumakaripas na Internet Age, ang kultura ng bawat bansa ay nagbabago at nakikipagtalamitam sa isang bagong mundo (owshit, sa'n napulot?). Ang pananaw ng kabataan ay mabilis magbago. Tingnan mo itong Gangnam Style, medyo nangangamba na 'kong mapalitan ng walang kamina-minang Harlem Sheyk. What I mean by that e masyadong mabilis magbago ang mga bagay-bagay. Masyado yatang mabilis?

Pero as usual, di iyan ang topic ko. Para sa ikalawang linggo at ikaapat na post ng napakadisenteng blog na 'to, sisimulan ko ito sa pagsasabing I LOVE DOTA.

Dota. Defense of the Ancients. Isang RTS o real-time strategy game kung saan ang goal ay napakasimple lang: ibagsak ang base ng kalaban at isubsob sa burak ang kabilang panig. Basically, pipili ka ng hero mula sa isang lupon ng taverns at papalakasin mo ang hero na yun gamit ang pagpapalevel-up ng skills at pagbuo ng items. Dalawang grupo: Sentinel at Scourge. Kailangang protektahan ng mga players ang base nila habang sinusubukang pasukin ang depensa ng kalaban. Matatapos ang laban pag naitumba mo ang huling tower ng kabilang team. Ang simple naman diba?

Si Furion.
Dota. Para sa mga dukhang di marunong maglaro, ito ang isang laro na may gayuma ata sa mga kabataan ngayon (lalo na sa mga batang lalake) at sumira ng napakaraming pangarap at matatamis na pagsusuyuan, isang pesteng umagaw ng mga anak mula sa kanilang mga magulang, irog mula sa irog, at estudyante mula sa assignment. ASOWS! Eto lang ang masasabi ko: kaya nga ako nagsulat ng post na ito para maliwanagan kayong lahat! DAHIL AKO ANG ENLIGHTENMENT! ENLIGHTENMEEEEEEEEEEEENT!!!!

Madaming non-Dota player ang nagtanong na at walang kadala-dalang nagtatanong pa rin: "leche, anu bang meron sa Dota?" Ito ang ating sasagutin sa kabanatang ito ng ating nagsusumiklab na talakayan. Toink.

"KAYRAMI NA'NG WINASAK NA TAHANAN, KAYRAMI NA'NG PUSONG SINUGATAN, O <DOTAAAA> LAYUAAAN MOOO AKOOOOOOOOO.. ."


They got a point.


Gaganda no?
Ang "MALAKING" problema ng lipunan ngayon. Ang bagong third party sa mga  dating masasayang pag-iibigan: ang exciting na larong tinatawag nilang Dota. Ang larong puno ng pantasya at hitik na hitik sa palitan ng napakalulutong na murang para bang chicharon lang. Ang larong puno ng di matapos tapos na "HOOOWLY SH****TTT!!" at "M-M-M-M-Monster Kill!" at kung saan ang mga kathang-isip na babaeng karakter ay di-maikakailang mas maganda kesa sayo (truth hurts). At di hamak na mas malaki ang uhm, sabihin na nating maganda ang hinaharap kumpara sa iyo. Ewan ko kung gaano kadalas nangyayaring naaagaw ng alindog ni Dota ang pag-ibig ng pobreng gamer, pero alam kong dahil yun sa oras na kinokonsumo ng Dota na dapat sana'y ginugol sa makabuluhang oras kasama si gerplen.

Wala akong alam sa ganuong departamento kaya wag kayong umasang magiging isa kong napakabait na inspirational na nilalang na uutot ng advice. Ang trabaho ko bilang blogger ay tawagin kayong mga dukha at aliwin kayo sa narcissistic kong paraan. Ang alam ko lang e minsan, nasusuong tayo sa mga tricks ng tadhana. Kung ment-tu-bi talaga kayo edi ment-tu-bi! Tandaan lang time is gold, lol.

Madami nang mga heartbroken na sumulat ng ilang kanta tungkol sa walang-katapusang bangayan ng Dota o Syota. (Ang totoo, pag naririnig ko tong mga kantang to, ang iniintay ko lang e yung rap part na hitik sa mga Dota terminologies na kaming mga adik lang ang nakauunawa. Ano ba'ng "mid", "bot", "-apspso", "SoD", "Pipa", "Silence"? Bahala silang intindihin.) Siguro anghirap mawalan ng minamahal dahil sa isang software lang. Dahil sa isang lecheng laro lang na ni di mo nga maintidihan. Pero, kung di mo naman mapagbabago si boyplen at talagang naging buhay na nya si Dota, ba't mo pa pagsisiksikan sarili mo? E pwede namang pulbusin mo yung putagiris na PC nya at arsonin lahat ng comp shop sa pinakamalapit na 100 milya.

Please, basta wag ikaw.
O sige na nga, magbibigay na ko ng advice. Para malaman mo kung ano ang meron ang Dota na wala ka (bukod sa pagiging isang multiplayer game), try mo maglaro. Maganda ka ba? Tawagan mo ko kung ganon kung gusto mo ng free tutorials.

"TENGENE! ANONG LENGGWAHE TONG SINASABI KO?!"


Lahat naman yata ng laro may sari-sariling lingo, pero parang pinakamalawak yata itong lingo ng Dota. Teka nga, e san ka ba makakarinig ng mga out-of-this-world na salita at mga expressions tulad ng: "mga <iknsert expletive> kayo! I-def nyo nga yung mid natin! Godlike na yung Tiny weh!" "Aghanim's na Lion ko mga feeder kayo!" "oy, pa-share units nga. Kailangan ko lang ng courier!"

Pag ikaw e napunta sa compshop na pinamumugaran ng mga Dota players, humanda ka nang matransport sa isang bagong mundong mapapatanong ka talaga kung nangangagat ba ang mga kasama mo.

"Mulawin."
"Secret shop."
"Core build."
"Finger." (medyo mapapaisip ka yata dito).

Anubayangmgayandikonamanmaintindihansirauloyataitobakitwalangspace. Ang mga salitang ito ay mga terminong aakalain mong pang-alien lang. Pag sinubukan mong intindihin, baka lalo ka lang maguluhan. Kungwari, kung sasabihin kong ang "Finger of Death ni Demon Witch ay ang kanyang SS, isang skill na makukuha lang pag umabot ka sa Level 6. Gumagana itong parang Dagon lang din na naglalabas ng isang Energy Burst sa target." Matino pa yang explanation na yan ha.

Pag ikaw e napunta sa mga pamugaran ng mga Dota players, asahan mo na ang mala-impyernong murahan at bulyawan na animo'y magugunaw na ang mundo. Madalas nadadala ang mga manlalaro ng kanilang laro kaya minsan pag nakakapatay sila ng kalaban umaatikabong trashtalk na ang kasunod nyan.

"MGA *********** NYO BOBO CARRY!"
"LECHE NAMAN! RS NA KA 'KO EH! BOBO BA?!"
"AVA-TOSS NA TINY!!!"

Minsan nauuuwi sa bugbugan ang laro, lalo na kung pustahan. Di ko alam kung matatawa ba 'ko sa kababawan o ewan, pera kasi yun kung sakali. Hmmm.

Buti masyado ko'ng mabait para masangkot sa ganuon. :DDDD


"BAKIT MASARAP MAGDOTA?"


Thank you for that wonderful question.

Di ako fan ng walang patumanggang batuhan ng P-words, pero gusto ko lang mag-Dota (kahit isa kong malaking feeder) dahil sa ilang kadahilanan lamang.

Unang-una, sa Dota nahahasa ang kooperasyon ng team, koordinasyon sa pagkilos. Sa team merong Ganker (mga taga-Ambush), Roamer, Carry, Pusher (ng tore, di ng drugs)at Support. Para bang division of labor pero sa mas hardcore na paraan.
Gan'to mang-Gank sa Dota. Surprise!

Di ko sinasabing sinasanto ko ang Dota. Para lang bang pastime to tuwing Byernes ng mga kaklase ko. Ni di ko nga sineseryoso to kaya nauuwi ako sa pagiging feeder e.(Wews, palusot much)

May napanuod ako sa TV na ang unang bentahe ng Dota ay yung literary aspect. Ahh, baka naman depende sa naglalaro. Ang gusto lang kasi ng marami e yung laro talaga. Yung AKSYON! Pero ako minsan binabasa ko yung mga backstory ng characters. Saya e.

Minsan peer pressure lang kaya ka napapalaro. Ako nauto lang din sa ganoon e. Haha.

"WAAAITTT!!! HINAY-HINAY LANG!"

Ang Dota parang lechon. Masarap pero nakakasama pag sumosobra na.

Sisimulan ko ang huling section ng post na ito gamit ang isang urban legend na medyo napansin ko na ring sumulpot sa mga inbox not so long ago.


 The Hidden Truth about Dota (A Satanic Game)


ANCIENT - question: who is ancient?
- answer: God but Satan’s disguises
himself and
deceives us, saying
that He is the Ancient one.

Why?
who would you think you will defend on
this game? whose defense is this? (with
those
cheats and verbal acknowledgments..
later to be
discussed)

the obvious aims:

-to kill your enemy, to destroy the
tree of
life for sentinel, to destroy the
frozen throne for
scourge, and TO BE BEYOND GODLIKE in
this
game.

the real aims:

- worshiping Satan through consciously
enjoying the game.
Why?
- because this game is extremely a
deception from Satan and you are
actually enjoying
it.

THE GAME

There are two bases or teams:

Sentinel vs.scourge
Good ones
monsters
Human
dark evil
Weak
strong

CHEATS:

WHO’S YOUR DADDY
- This is used to become stronger
- But actually this cheat pertains to
admittance
that your father indeed is Satan.

GREED IS GOOD
- To have more money
- In Ecclesiastes 5:10-11 “Those who
love
money will never have enough,, the more
you have.. the more people come to help
you
spend it.”
- It feeds your mind that it’s fine to
love money
because you need it.

I SEE DEAD PEOPLE
- This allows you to see the map
- The truth behind is that, spiritually
the players
and those who are involved are dead;
they don’t
have real life for they are being used
be
Satan to praise him through this game.
Dead
people!

Verbal acknowledgments:

- OMG (Oh my God) The Bible states, “do
not use the name of the Lord in vain!”
- BULLs**t and HOLYs**t need not to
explain
- Good job / Good work when you killed
somebody
you are being congratulated with a good
job or good work.

TESTIMONY:

At the dawn of April 17, 2006, my
brother
(JIREH SINGSON) dreamt of 2 dreams.
First, he dreamt that Jesus is showing
how evil
dota is, then he woke up and blurted
out: “ayoko na
magdota!” he fell asleep again and had
his second
dream, he was talking with a friend who
in real life
doesn’t want to play dota anymore, when
my
brother blurted out once again, “ayoko
na
magdota!”, a man came near to him and
laid hands
cursing my brother. When they rebuked
it in Jesus
name, it disappeared. Then, when he
shouted “hindi na ako magdodota kahit
kailan!”
Crystal Maiden (one of those unpleasing
characters in dota) appeared in my
brother and he
told us that it felt like he couldn’t
breathe, my
brother rebuked it in Jesus’ name and
told to
it, “hindi na ako magpapabitag sa
iyo, I belong to Jesus!” Then he woke
up
and ran downstairs. He told everything
to us and
prayed for him. My father helped him
renounce it
and right after he surrendered he
puked, and we
brought him to hospital. But our family
claimed that
Jesus is
victorious and Satan will never win. He
had a
testimony about his dream the Sunday
after he
experienced it, after he witness, those
who
are
involved in dota were prayed for.

Note: Akala ng lahat laro lang dota,
pero
si Satan
hindi nakikipaglaro. He is using dota
to
pollute
the
minds of our youth.
-faith singson

Ephesians 4:27
Don’t give devil a chance! If you
ignore
this, it’s
your own risk.
This is the TRUTH. Do not be blind and
do not
harden your heart.

Di ako mapaniwalain sa mga gan'tong bagay-bagay, pero parang masyado namang cherry-picking ang mga facts dito. Medyo, ano, binibigyan nilang kahulugan ang mga elements ng isang simpleng laro. Oo, nakikita ko point nila, pero shet, andali namang sabihing si Taning ang may gawa ng mga bagay na nakakaadik. Lahat naman pwedeng sabihing may reference sa kanya. Actually pwede akong ipamalitang Satanista kasi orange juice ang gusto ko sa umaga at di kape. Lol.
Ako si Dota. Alipin na kita ngayon.
Awwoooohhh!!!

Wala akong opinyon as to talaga bang satanic ang larong Dota, pero ang blog na 'to ay nagtatala ng mga bagay-bagay na nasa isip ng isang normal na high school student at di ito blog ng isang preacher. Ang gusto ko lang sabihin sa pagdadagdag ng urban legend na ito ay posible mang maging puppet ka ng kadiliman o hindi, dapat hinay-hinay lang sa Dota. Isipin mo na lang na sa kadodota mo di ka na nakakapag-repaso ng notes tapos lagi na lang mababa ang performance mo sa eskwelahan. Pati social life mo maaapektuhan. Ma-e-engulf ka na sa mundo ng computer games

na ginagalawan mo. Sige ka, baka di ka na makawala.

So that's all. Happy long weekend.


Sabado, Pebrero 16, 2013

Bakit Hindi Nagunaw Ang Mundo Nuong December 21

BAKIT DI NAGUNAW ANG MUNDO NUONG DEC. 21

ni Carpa de Pluma


Na-inspire akong isulat ang medyo late nang article na 'to tungkol sa Doomsday, nang marinig ko itong flyby ng isang asteroid sa planetang ito nung nakaraan, at yung "propesiya" ni St. Malachy tungkol sa "black pope". Ewan ko ba, parang eto ang bigla kong naisip ngayon.

Mayan Long Count Calendar: LOL! AMALAYER!
Mga dukha!
Nakita natin ang nangyari sa isa pang propesiya tungkol sa pagtatapos ng Mayan Long Count Calendar na ipinapapalagay ang pagkagunaw niring mundo. Pero ano nangyari? Wala. Wala. Eto parin tayo at intact pa rin ang mundo, at least intact in a sense na umiikot pa rin. Mukhang engot na lang yung mga napaniwala nito dahil wala naman palang katotohanan ang balita nila. Eto nga't natatawa na lang ako sa mga search results sa Google sa entry na "December 21, 2012". Mayroon pa ngang naglista ng mga mangyayaring earthquakes base sa planetary alignments.

Ang naniniwala sa sabi-sabi, tiyak walang bait sa sarili. O nasisiraan na ng bait. Sinabi na ng mga eksperto na pseudoscientific lang lahat ng mga espekulasyong ito, pero yung ibang mga dukha ipinipilit pa rin ang nais nila.

End of the WORLD?! Bata pa ko!
Personally, bilang tao, syempre kahit papano nadisturb ako nung balita. Hoy mga pre! Wala pa nga ko gerfren e tapos you make wasak the world agad? Wag ganun! It isn't fair. Madami pa kong pangarap na di ko pa naaabot, mga balong di ko pa natatarok ang lalim, mga alapaap na di ko pa nalilirip ang tayog, at project test sa Stats na di ko pa nasisimulan!

Kaya nakahinga ako nang maluwag nang nalampasan natin ang December 21 na parang normal na araw lang. So much for the asteroids and stuff.

So, for today, etong isang listahan ng mga dahilan kung bakit di tayo tinamaan ng isang malaking bagay mula space o walang sumabog na bulkan nuong 12/21/12.

"PSEUDOSCIENTIFIC ANG LAHAT NG MGA IDINAKDAK NILA. . ."


So meron daw silang facts. Nasaan? Ang mga facts na sinasabi nila e mas marami pang spekulasyon kaysa data. Kumbaga sa sopas, tatatlong piraso ng laman tapos isang dam ang sabaw. Meron pa silang mathematical washuley na ipinagmamalaki. Karamihan astrology ang pinagbabasehan. Kung mga kabaro lang pala ni Madam Auring ang makakasagot sa tanong natin tungkol sa Doomsday. . . edi dapat pala. . . edi dapat pala. . . well, nevermind.

Pole shift theory.
Unang-una, ang planetary alignments daw na magaganap sa winter solstice na magko-cause ng napakalalang pole shifts. O, nasan ang pole shifts ngayon? While totoo ang pole reversals, pagkakatanda ko wala namang nangyari nitong nakaraan.

Isa pa. Alien invasion. Alien invasion. In short susugurin daw tayo ng mga aliens dapat nung 2012. Pero kung may nakita kong alien nung December 21 e iyun yung mga karimarimarim na mukha ng mga lashenggo sa *hik* harap *hik* ng b-baahaay nahmeehn.

Di ko alam kung anong katotohanan sa likod ng mga aliens na to, pero anuman yon, wala kong pake kasi di naman sila nagtake over sa dukhang mundong to. +1 more point para sa mga skeptics, dahil walang uhuging extraterrestrial life forms na nakijamming sa Pasko natin (sarap pa naman ng ulam namin nun). Malamang nakatamaran na lang nilang sugurin ang Earth kasi, 'lam nyo na, ang liit lang naman ng planetang to. Ang malalaki lang naman sating mga tao e yung ego o feeling of self-importance natin, kahit ang totoo'y mga presumptive lang tayong mga primates na hardcore maka-assert ng dominance sa ibang species.

Alien Contact? Posible o kabalbalan lang?
Si Giorgio Tsoukalos lang 'to sa taas,
wag nyo na lang pansinin ang
sinasabi.
Actually, ang di lang magandang nangyari sakin noong Doomsday ay ang pagkasira ng laptop ko. Joke. Pero ilang araw pagkatapos nitong Dec. 21, pumanaw ang coach ko sa Journalism. Sakit no? Ang lalo pang nagpapasakit dun e yung pakiramdam mong wala kayong, tama ba term ko: closure? Yung tamang pagpapaalam. Sudden death kasi ang ikinamatay. Pero bago tayo magingg masyado nang washuley, mag-move on tayo sa susunod na topic.

"NOSTRADAMUS SAYS: I DIDN'T SAY HALF THE SH*T YOU SAY I DID."

Nostradamus is honest, no?
Si Michel de Notredame (1503-1566) (aka Nostradamus, para sa kapakanan ninyong mga dukha)ay isang propetang sumulat di-umano ng mga hula na nagkatotoo tulad ng 9/11 attacks nuong 2001.

Pagka daw nagkaroon ng 3 solar eclipse na sinundan ng isang lunar, pagkakaalam ko, hinula daw nya na magkakaroon ng isang malaking baha. Tapos dun sa libro nya, isang recurrent image ang isang 8-spoked wheel, na nagsisignify raw ng intersection ng Divine at Terrestrial Crosses. Anomang ibig sabihin nun, ewan ko.

Ang kakaiba pa rito, kailan lang lumabas ang mga propesiya nuong naganap na ang mga trahedya, gaya ng 9/11 na binanggit ko na kanina (unli? unli?). Tried and tested para sa isang gawa-gawang bagay.

In the year of the new century and nine months,
From the sky will come a great King of Terror.
The sky will burn at forty-five degrees,
Fire approaches the great new city.

In the city of York there will be a great collapse,
Two twin brothers torn apart by chaos;
While the fortress falls, the great leader will succumb,
Third big war will begin when the big city is burning.

Lahat naman yata nangatog sa takot nang marinig ang pinekeng propesiyang ito. Ang unang quatrain ay sinulat lang ng awtor ng isang essay sa Internet para ipakita kung gaano kadaling gumawa ng isang "propesiya" gamit ang abstract imagery, nabasa ko sa site na snopes.com.

Kung ito ngang 9/11 prophecy napeke, ano pa kaya ang Armaggedon? Eto nga't may isa pang nakakabobong imbensyong hula tungkol sa 2012 na may reference pa sa sikat na sayaw na Gangnam Style.

From the calm morning, the end will come
When of the dancing horse
The number of circles will be nine.


GANGNAM STYLE!!!
1B YouTube views sa Dec. 21? Asows!
Eto ang analogy. Korea=land of the morning calm; dancing horse=Gangnam Style; at nine circles=1 billion. Seryoso tayo, di ba naman, parang desperado na ang mga pro-2012 na mga dukha para makaisip sila ng nakakagagong imbensyon gaya nito? Kung ako yan, maaawa na ako masyado sa sarili ko. Pati si PSY na wala na ngang kamata-mata, pagdidiskitahan pa. Wag ganun. Magbago na tayo. ^^


"WALANG TAO SA MUNDONG ITONG MAKAKAALAM KUNG  EKSAKTONG KAILAN MAGUGUNAW ANG EARTH."


Siguro naman alam nyo na ang life span na lang ng mundo ay mga nasa 5 billion years na lang at most bago lumobo si Haring Araw na parang masibang dukha na lumamon ng sandamukal na toblerone nuong Valentine's. Pero bukod don, walang propesiyang makakapagsabi kung kailan papanaw ang abang planetang ito. Walang nasusulat na matandang scroll tungkol sa mga KSPng asteroid na sasabukain ang muks ng Earth, at walang makakapagsabi kung kailan--knock on wood--biglang sisiklab ang isang World War III na gugunaw sa mundo sa sobrang hardcore ng nuclear weapons.

Pero isa lang ang alam natin: MAAARING TAYO MISMO ANG SANHI NG PAGKAWASAK NA ITO. Tunog environmentalist na kung tunog environmentalist, pero kung di tayo kikilos laban sa napopollute na katubigan at hangin, nakakalbong gubat at numinipis na ozone layer, baka tayo talaga ang tagasira ng sariling daigdig. Sa kabilang banda, kung di naman tayo magkakaisa laban sa digmaan--knock on wood ule--baka naman ang mga sandata natin ang maging mitsa ng buhay sa iisa nating tahanan. ^^


"KUNG WASAK NA ANG MUNDO, DI MO SANA MABABASA ANG BLOG NA 'TO!!!"


Aminin mo. Anuman ang reaksyon mo sa blog kong 'to, agree ka man sa mga opinyon ko o medyo feeling mo mediocre ang style ko ng pagsusulat, di mababago ang katotohanang di ka maliligaw sa site na to kung wasak na ang mundo.

Isinulat ko ang post na 'to para lang magbigay liwanag sa mga dukhang napaniwala ng mga bogus na prediksyon na mga ipinakita ko sa inyo. Di lahat sa Internet ay totoo (pwera na lang kung sabihin nitong napakagwapo ko), ang iba ay sinusulat lang para magsimula ng isang mass hysteria o panic, o para lang talaga mangtroll ng mga matitinong buhay dahil ang sarili nilang mga buhay walang patutunguhan. Mas magandang gawin nating armas ang isang mapanuring isip para di tayo mauto ng mga ganitong balita.

God bless everyone.