Biyernes, Pebrero 15, 2013

Kras Ako ng Kras Ko?! HUWAAAT?!

KRAS AKO NG KRAS KO

ni Carpa de Pluma


Lahat ng tao marunong magmahal, at walang kumukwestyon don. Napakahaba man ng kasaysayan, mapapansing sa mga napabayaang mga pahina nito ay nakaukit ang iba-ibang salaysay ukol sa mga magsing-irog at ang kanilang dakilang pagsuyo, na mas malalim pa sa kayaang maabot ng salita *punas nosebleed* at matatarok ng abang diwa.

Adolescence. . .
Hearts-nado!!!!
Ang edad ko ay ang edad ng confusion, ng pagkwestyon, panggagalugad, ng mga kras, at syempre ng mga yaaahtigidig-tigidig-tigidig at mamantikang mukhang kulang nalang paglutuan ng proben. Sa panahong ito, aking nararanasan ang mga pagbabago sa parehong pisikal at mental na aspeto. Sa pisikal, andyan ang pagtangkad (Yay! Matangkad ako mga dukha!), paglaki ng katawan, paglalim ng boses at iba pa. Sa mental-emosyonal, mas lumalalalim ang kaisipan at pananaw mo, mas nagkakaroon ka ng pakialam hanggang sa mabantog ka bilang Bunganga ng Baranggay. O kung di man, nagsusulat ka ng isang patapong blog tungkol sa mga paksa di related sa isa't-isa at pinamagatan mo ng isang outta-dis-world na bagay: sawsawan ng proben (with matching nakakabobong baduy na pseudonym). 

Pero syempre, ang pinakakapansin-pansin na characteristic ng teen age e yung pagkakaruon ng mga kras, mapakaklase o mapakaibigan, basta isang taong nag-uudyok sa'yo para ngumiti at maging masaya. Inspirasyon, kumbaga. Sya yung taong hinahangaan mo dahil sa kapogian, kagandahan, talino, at yaman (lol). Sya yung picture sa Facebook na di mo maalisan ng tingin, kasi yun nga. Tapos yung minsang mangitian ka nya at sinabihan ka ng "ui!" e kala mo sinabi nya, "ui! Pakasal na tayo! Mahal na mahal rin kita! Tara, magpakalayu-layo tayo at magliwaliw sa piling ng isa't isa!" tapos nahingan ka lang ng one-fourth kulang nalang pati puso mo ibigay mo.
Nginitian ako ni Krassss!!!!!!

Maiisip kong normal lang ito para sa ganitong edad. Pero kadalasan, one-sided ang mga kras. One-sided: yung ikaw lang talaga. No response sa kabilang panig. Yung sumigaw ka tapos walang echo. Pero, paano kung malaman mong kras ka ng kras mo??

KRAS KA NG KRAS MO?

"AAAHMMM. . . "


Kadalasang sa friendzone nauuwi ang mga kras o sa dedma-zone, kung minamalas ka. Meron akong mga ilang kakilala na jumaporms kay kras nuong nakalipas na Normal Thursday (a.k.a Valentine's, pero san nauwi? Epic fail. Yung iba namang naglalakas loob aminin ang saloobin sa kras e nauuwi sa pagkadedma na parang di sya kahit kailan nag-exist. Friendzone o dedma-zone, alin ang mas malala, kayo na humusga.

Pero paano kung di naman ganyan katerible ang kinalabasan? Paano kung malaman mong kras ka ni kras?!

Kung ako yun?! Malay! Di ko alam kung paano reaction kaya sinulat ko na lang ang isang napakatalinong sagot gaya ng "Aahmm. . ."

Sa pananaw ko, kung ganoon ang sitwasyon baka maramdaman mong para ka na sigurong tumalsik mula sa mortal world at napunta sa langit nang buhay. Biglang nagkarainbows, namulaklak ang semento, nasakay ka sa unicorn na umuutot ng butterflies, parang ganuon. Para bang gusto mong pagsigawan sa buong madla: "Kras ako ni kras! Mamatay kayo sa inggit mga torpeng dukha!" tapos bigla kang naging weightless, at ang ppuso mo nagririgudon na and so on, so forth na mga bagay pertaining to anything malamya.

Matatanong nyo, ako ba'y may pinaghuhugutan ng mga ito? Ang sagot dyan ay. . .
.
.
.
.
.
.
Sa kabilang dako, ikaw itong si swerteng lalaki/babae na nalamang MU (Malanding Ugnayan) pala sila ni Kras. Biglang mabo-boost ang self-esteem mo at mababago ang pananaw mo sa buhay. Kung dati'y isa nang nagkakandalechelecheng mundo ang mundong ire, bigla na lang nagbago ang landscape! Umagos ang malamig at malinis na tubig sa tuyot na batis, sumibol ang mahalimuyak na bulaklak sa pinabayaang parang, biglang naamoy ang samyo ng hanging dalisay, at ang mayuming araw ay liniliwanagan ang lupa't dagat gamit ang silahis ng pag-ibig na wagas, at bigla ka na lang tumitira ng malulupet na literary Tagalog nang walang pasabi.

Pero paano ang magiging reaksyon mo sa kanya pag nakita  kayo?

Well, sums up pretty much everything.
Siguro, medyo malakas maka-awkward ang ganung pangyayari tulad ng  nagkasabay kayo ng jeep papuntang eskwelahan (at para mas walang-awa, sabihin nating NAGKATABI pa kayo). Sasabihan mo ba sya ng "Hi"?O baka naman buong byahe kang nakatikom ang bibig at paawkward na sumusulyap. O makapal ba ang mukha mo't babanatan mo sya ng "OI KRAS! IKAW DI KA NAGSASABI KRAS MO RIN PALA KO! ANO, DE TAYO NA?! PAHARD-TO-GET HARD-TO-GET KA PA! BWAAHAHAAHAHAHAH!!!" kasi ako, pag ganito nang sitwasyon, baka mag-teleport na lang ako paalis dahil sa sobrang kaawkwardan.

"SUS. ALAM KO NAMANG NAPAKA-IRRESISTIBLE KO."

Baka kasi kamukha mo to.
Anyamaaawn!

Ahm, okay, dahil malaki ang ego ko iisipin ko na talaga namang walang kayang humindi sa isang napakatalino at walang katulad na si Ako. Pero dahil hindi naman si poging Ako ang topic rito.
May mag rason kung bakit ka kras ng kras mo.

  1. KASI POGI/MAGANDA KA. Sa mga sinuswerteng mapunta sa ganitong sitwasyon, malamang kasi baka artistahin ang itsura mo at pamatay ang vital stats mo at napakaganda ng hinaharap mo *ehem*. Ah, what I mean is, yun nga, para kang isang anghel na ihinulog ng langit sa lupa shoot sa imburnal.
  2. KASI MATALINO KA O TALENTED. Sa mga kaklase mo ba, ikaw ang pinakamatinik sa pagsolve ng mga nakakahilong equations sa Algebra? Ikaw ba ang poet sa klase? Malupit ka bang magbitaw ng chords sa gitara o kaya nakakapagpaheadbang ba ang beat mo? O kaya mong kantahin ang Bohemian Rhapsody nang walang effort? At higit sa lahat, MADALI KA BANG KOPYAHAN NG ASAYNMENTS?! (LOL, JK) Kasi baka dahil dyan ka hinahangaan ni kras at dahil dyan rinereciprocate nya ang lecheng feelings mo. Minsan kasi, ano, mas focus sila sa brains kaysa sa mukha ng tao. Minsan. 
  3. KASI BAKA NAMAN MAYAMAN KANG DAMUHO KANG DUKHA KA. Minsan kasi, kung sakali lang naman na si kras e medyo napapa-"uuuy" sa mga taong makakapal ang wallet, tinitingnan din kung mayroon ka bang PS Vita, iPhone, at minamani mo lang ang baong 1000 pesos kada araw. Kasi 'lam mo na, baka naman si kras e di ganun kaano. . . yun. Walang tumatanggi sa taong may isang sakong pera sa bulsa.
  4. Kelan pa nga ba?
  5. SA, ANO, SA TAGLAY MONG. . . PAMBIHIRAAAAA. . . Huli sa lahat, minsan, may mga tao namang walang paki kung talented, pogi/maganda, o mayaman ka. Kasi di sila ganun kababaw na tao. Kunwari ikaw si Procopio Lazaro Tonogbanua. Tapos nalaman mong kras ka ni kras mo. Mapapaisip ka. Anong nagustuhan sakin nitong napakagandang si <insert name ng babae>? Tingnan mo sarili mo sa salamin. Sabihin nating wala naman talagang kaiga-igaya sa panlabas mong kaanyuan, at di ka rin ganuon katalented sa kahit ano, at lalo namang di ka mayaman. Baka naman nagustuhan ka rin nya kasi, uhm, ikaw si Procopio Lazaro Tonogbanua. Yun lang. Kailangan pa ba ng ibang dahilan? At kung itong pang-apat na rason ang rason ni kras para ireciprocate ang feeling sayo, well, saludo ko sa yo.

"DI NA MAKATULOOOOG. . . DI NA MAKAKAAIIIN. . ."


Ah talaga???
Hep! Hep! Hep! Hinay-hinay lang! Kras-kras lang ang topic natin. Wag mong dibdibin kung di ka kras ng kras mo. Di pa katapusan ng mundo. Isipin mo na lang, aahhm, inspirasyon lang naman sya e. Mafriendzone ka o hindi, ayos lang, di naman siguro end of the world yun kung one-sided lang ang nadarama mo sa loob mo. Baka nga mamaya ipot lang yan. At lalo na kung kaedad mo lang ako? Aysus, wag mo munang pagtuunan yang mga bagay na yan. At parang nanay, ipaaalala ko lang na dapat unahin nyo ang pag-aaral. Ayos lang magkakras, parte naman ng kabataan natin yun, pero at least, know your priorities para wag kang magkaligaw-ligaw sa landas.

Kaya tatapusin ko ang post na to gamit ang isang napakalumang proverb: "LAHAT NG SOBRA, MASAMA."

Again, God bless everyone. ^^

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento