Sabado, Pebrero 23, 2013

Faith In Humanity Restored

FAITH IN HUMANITY RESTORED

ni Carpa de Pluma


(Unang-una, credits sa mga may-ari ng pics na ito, gaya ng mga iba pang pics na binibingwit ko sa Google para sa blog na 'to. Peace tayo.)

Kindness by Naomi Shihab Nye

Before you know what kindness really is,
You must lose things,

feel the future dissolve in a moment
like salt in a weakened broth.
What you held in your hand,
what you counted and carefully saved,
all this must go so you know
how desolate the landscape can be
between the regions of kindness.
How you ride and ride
thinking the bus will never stop,
the passengers eating maize and chicken
will stare out the window forever.

Before you learn the tender gravity of kindness,
you must travel where the Indian in a white poncho 
lies dead by the side of the road.
You must see how this could be you,
how he too was someone
who journeyed through the night with plans 
and the simple breath that kept him alive.

Before you know kindness as the deepest thing inside, 
you must know sorrow as the other deepest thing.  
You must wake up with sorrow.
You must speak to it till your voice
catches the thread of all sorrows
and you see the size of the cloth. 

Then it is only kindness that makes sense anymore,
only kindness that ties your shoes
and sends you out into the day to mail letters and 
     purchase bread,
only kindness that raises its head
from the crowd of the world to say
it is I you have been looking for,
and then goes with you every where
like a shadow or a friend.

Ganito na lang ba ang mundo?
Mahirap mang isipin para sa iba, ang mundong ginagalawan natin ay isang mundong mukhang wala nang pag-asa. Kaliwa't kanang patayan, inggitan, bangayan, at pasaringan. Dumadami ang mga napapariwara ng landas, at pati na rin ang bilang ng mga babaeng kung magpantalon e halos wala nang tinakpan sa katawan. Minamagic ang mga pondo ng gobyerno, may mga mamamahayag na tinotodas, may mga karapatang sinisikil. Puro pandaraya na lang yata ang alam ng tao?

Minsan, sinusukuan na ng iba ang sangkatauhan. Meron pa ngang sa sobrang dismaya sa mga kapwa-tao nakukuhang sabihing "I don't want to live on this planet anymore". Pero diba dapat magdalawang-isip muna tayo? Masyado namang naje-generalize ang sangkatauhan nyan. Di naman lahat ng tao masama, gaya na lang na hindi lahat ng may hawak na iPhone e mayaman na.

Justin Bieber Singing Toothbrush.
Mga bagay na ganito ang sumisira
sa pananalig natin sa
sangkatauhan.
Faith in humanity restored. Iyan ang nakikita nyo title ng post ko. Tumingin tingin ako sa Net ng mga kwentong gan'to, kasi madalas kong makita sa Imgur ang mga istoryang tungkol sa mga "salt-of-the-earth", ang iilang tapat at mabubuting tao ng Earth, ang mga anghel at bayani ng mundo sa kanilang maliit na paraan.

Ilan sa mga kwentong to ang isasama ko sa post na ito para ipaalalang may pag-asa pa (kaya nga alam natin kung kailan may bagyo e! Lol!)

"MAGPARAYA."


Magparaya. Bakit ba anghirap maintindihan to para sating mga tao? Isang salita lang naman diba? Pero bakit ba napapangunahan tayo madalas ng crab mentality?

Baseball.
Medyo malalalim ang idadakdak ko pag pinagpatuloy natin ang diskusyon tungkol rito, pero ang isang napakagandang prinsipyong ito e naipakita sa isang simpleng paraan: sa pamamagitan ng isang laro.

Etong picture sa gilid ang tingnan nyo. Isang araw nasaktan ng batter (yung batang nakapulang karga-karga nila) ang sarili nya gamit ang sariling bat (ang talino, seryoso) at nagka-injury. So ano ngayon? Ito. Imbes na hayaan syang maghirap, dinala sya ng dalawang kalaban para "matakbo" nya ang mga base ng diamond.

Ang simple ng moral. Minsan naiimpeksyon tayo ng kompetisyon kahit sa mga laro lang na ito. Lahat naman ng tao gustong manalo! Pero minsan may pagkakaiba ang pakiramdam ng nanalo sa pakiramdam na may ginawa kang mabuti. Tama ba si Carps?

"ILIGTAS SI BANTAY!"


Etong pangalawang istorya e sa Marikina lang nakuhanan.


May alaga ka bang pusa o aso o kahit ano? Yung totoo, gaano mo naman kamahal ang alaga mo? Nakakatawa bang tanong yun? Kung nakakatawa ito para sayo, baka di mo ganuon kamahal sila gaya ng taong to.
Dapat awardan ang taong to.

Di lang ako sigurado kung ano nya ang mga aso, pero anupaman, hats off dapat tayo sa kanya. NAKIKITA NYO BA KUNG GAANO KATAAS ANG BAHA! Papatay ng tao sa lakas ng agos yung tubig! Tapos iilang aso ang sinusubukan nyang iligtas kahit buhay nya ang nakataya! Kaya dapat me award tong tao na ito e!

Kahit napakaganda ng hangarin na ito, baka magdalawang isip muna ko bago ko iligtas yung mga aso. Pero sya! Siguro ganuon nya kamahal ang mga kyut na nilalang na ito. Sa bagay, tao lang ba ang may karapatang makaligtas sa ganitong mga sakuna? Kaya siguro higit pa sa isang masigabong palakpakan ang deserb ng taong to. I salute you, kung sino ka man!

"ANG TSINELAS NI MANONG FOREIGNER"


Ikaw kaya maisip mong gawin to? Lalo na sa isang estrangherong palaboy-laboy sa daan? Ako syempre, dahil isa kong mabuting tao, oo, gagawin ko (weeeh!!!!).

Sa picture na ito ibinigay ng isang foreigner na turista ang kanyang tsinepin sa isang palaboy. Naiiyak yata sa tuwa yung pinagbigyan.

TSINELAS .
Ang isang tao daw ay malalakad ang distansyang katumbas ng apat na beses ng circumference ng mundo sa buong buhay nya. Imaginin mong lakarin ang isang malaking bahagdan nun nang walang footwear! Ha! Di kaya ikaw ang maging Hari Ng Kalyo? Kaya di ko maisip ang ibang taong di maisingit ang pambili ng sapin sa paa. Yung iba sinuswerteng mapagkalooban ng tsinelas ng "Eto-Tsinelas-Saksak-Nyo-Sa-Baga-Nyo-Mga-Dukha" program ng isang mapagkawanggawang TV Show.

Pero pwera biro, masasabi mo mang simple lang ang ginawa ng mama, isa parin itong napakalaking tulong sa receiving end. Aba, ano ba kailangan? Kailangan ba para masabing charity e yung talagang nasa studio ka at nagpapaulan ng pera tapos with matching mga babaeng halos wala nang damit? Ganun ba? Syempre hindi! Sa tingin ko itong isang picture na to e mas sincere pa kesa sa iba dyang. . . ehem.


"LIBRENG KURYENTENG PANGCHARGE!"

Eto ang huli para sa post na to.

Sa tingin ko napakathoughtful naman ng taong to para ilabas ang sariling outlet ng libreng cellphone charging. Di ko pangangahasang gawin to. Paano kung may makiplantsa? Magsaksak ng TV o ng Wii?

Pero di yun inisip ng huli nating bida. Inisip nya sigurong makatulong muna para sa mga dukhang walang mapagcharge-an pag emergency, kaya eto, para syang isang anonymous na superhero. Baka di kayang gawin ni Kidlat ang gantong paghahandog ng kuryente para sa iba.

E ano naman bang presyo itong pagbigay ng konting kuryente sa sayang maidudulot nito sayo. Katulad ko, kung gagawin ko to, sisiguraduhin kong magshoshort-circuit para tepok ang gagamit. Mwahahaha.

So there you have it. Ang mga litratong saksi sa kabutihang loob ng mga bayani't anghel na di natin kakilala at di mapaparangalan ng higit pa rito: ang mga isinabuhay na turo ng isang Nakatataas.

God bless everyone.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento