Biyernes, Pebrero 15, 2013

Ang Ice Cream Ko






ANG ICE CREAM KO


ni Carpa de Pluma





SARAP! Timawa-size Ice Cream! Sige,
lamon, mga dukha!
Napaisip ka na ba ng malalim tungkol sa buhay sa mundong 'to? Yung tipong nagpapakaphilosopher ka bigla? yung tipong bigla kang naiinspayr ipahayag ang mga hinuha mo sa existence? Bakit ka nga ba naririto? Lahat ba ng bagay ay may purpose o baka naman talagang douchebag lang ang tadhana? Minsan, ako gan'on.

Ang pangalan ko ay Carpa de Pluma. 16 years old, isang hayskul student na katulad ng iba e mahilig sa DotA, minsan e tinatamad mag-aral, at nagkakakras den, nangongopya sa katabi (PAMINSAN-MINSAN!!!). Minsan napapaisip ako kung bakit ako isinilang. Siguro di lang naman ako pinanganak para makisawsaw sa pag-ubos ng oxygen supply ng mundo. Siguro naman, di lang ako pinanganak para kumain ng stritpud at humilata't manuod ng Jeyk en da Neberland Payreyts o Adbentyur Taym buong buhay; o ubusin ang buong long weekend na 'to na di ginagawa ang project ko sa MAPEH, gaya ngayon.

Ngayun-ngayun lang e linasap ko ang isang malamig at refreshing na ice cream: saktong-sakto sa panahon ngayong umuulan. Habang ninanamnam ko ang sorbetes, at linalasap ang maamong tamis nito (OO, INIINGIT KO KAYO MGA DUKHA) napaisip ako bigla tungkol sa buhay. Napatigil ako at tinitigan ang ayskrim. Napaisip ako.


Hala! Pucha! Nalusaw! Sabi ko sen'yo weh!

"UNA, ANG AYSKRIM MADALING MALUSAW."




WAAAAWWW!!! PAANO KO NAPANSIN YUN?! TALAGA? WEEEH!!!

Hinde, wat ay mint by dat is ang ayskrim ay para lang buhay: sandali lang yang magtatagal. Tingnan mo ayskrim. Sandaling mainitan o maiwanan, pagbalik mo lusaw na tapos para ka na lang dukha na naaawa sa sarili mo, kasi, ayun, wala na. Pag ipinagpilitan mong kainin--ayun, di na malamig at nakakayamot na. Halos ganyan rin ang buhay. Hanggang may oportunidad ka, sunggaban mo na! Kasi di yan magtatagal. Yung kras na kras mong babae nung hayskul na di mo pinormahan habang wala pa syang nahahanap na boyplen? Yung Battle of the Bands na di mo sinalihan kasi nahihiya ka kahit alam mong ang galing mo sa ganyang departamento? Yung kaibigang nakagalit mo dati na di mo man lang nahingan ng tawad bago sya mabiktima ng kanser? Lipas na ang tsansa mo. Di na babalik yun. Hindi na nga. Ay kulit. DI NA NGA BABALIK YUNG LECHENG PAGKAKATAONG PINALAMPAS MO TALIPANDAS KA!!

Si Eddie O'Hare ang abogado ni Al Capone (isang talipandas na gangster sa Amerika dati). Mmm, di mabuting tao itong O'Hare na 'to, at di sya ang topic natin. Kalaunan pingtaksilan nitong si O'Hare si Capone kaya ipinapatay sya ng gangster. Dun sa lugar kung saan sya pinatay, nahanap sa kanya ang isang tulang kinuha nya sa isang magasin.

"Place no faith in time/For the clock may soon be still."
The clock of life is wound but once
And no man has the power
To tell just when the hands will stop
At late or early hour
Now is the only time you own.
Live, love, toil with a will.
Place no faith in time
For the clock may soon be still.

Pansinin ang ikalimang linya: "NOW IS THE ONLY TIME YOU OWN." Iyan ang pinupunto ko. Wala na ang kahapon at di pa natin alam ang bukas. "Live, love, toil with a will." Ayaw kong maging masermon: ito lang ang naisip ko. Sinong makakaalam kung ano na tayo bukas? Sinong may pakialam kung ano tayo kahapon? Sunggaban na natin ang ngayon. As in, GO! DALI! SUGOD! LABAN! LABAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA *habol hininga* AAAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNN!!!!!!!!!!!! 

Wag na nating intaying mawala ang tsansa.


Ice cream na nakabaligtad: MAERC ECI.
Lol, korni no? xD

"MAY MGA WEIRDONG DUKHA NA KUMAKAIN NG ICE CREAM NA PABALIGTAD."



Nung bata ako, sinubukan ko na ring kainin ang ice cream mula dun sa pointed tip ng apa tapos sisipsipin yung malinamnam na ice cream mula ruon. Galing ko 'no? Pahirapan ba ang sarili?

Pero sa tingin ko, di naman sa pinapahirapan ang sarili kaya ko ginawa yun. Ang feeling ko kasi, ano, mas kakaiba, ganun? Oo, isa ako dati sa mga weirdong dukha na yun. Silang mga "W.D." na nangangahas kumain sa ganitong porma ay ang mga matatapang na simbolo ng mga tao sa mundo na di payag magpadala sa agos ng sistema.

Sa tingin ko, itong mga taong nabanggit ko ay ang mga taong di nagpapatangay sa mainstream: mga "against-the-current" talaga ang epek. Nakabasa na kayo panigurado ng free verse na tula? Iyang form ng panulaan na iyan ay ipinaglaban dati ni Walt Whitman (1819-1892), isang American essayist at makata--isang pormang tumutuligsa sa tradisyonal na poetry. Wala itong tugma o metro at mas nagpopokus sa sentimyento at emosyon. Kumbaga, labo-labo na. Washungfitik kung washungfitik, basta bahala ka sa lecheng buhay mo! Kaya nga free verse e! Isa itong malaking derti pinger laban sa mainstream.

Radical painting

At kung ito na nga ang pinag-uusapan, minsan ay narinig ko ang kaklase ko: "minsan mas maganda pa ang graffiti kaysa sa art ngayon: sa art, magdrowing ka ng apat na squares sa canvas, may painting ka na!" Oo nga naman, napaisip ako, para bang washuley na lang din ang art sa mga araw na ito, pero napaisip rin ako: kaya ng mga painters-utaw na ito na kalabanin ang nakasanayan na. Eto, tulad nitong painting na pinost ko sa gilid. May mga taong ganito: na walang paki sa rules ng buhay--may sarili silang approach rito.

Mayron nga kong ibang taong nabasa o napanuod sa TV na iba ang perspective sa mundong 'to: yung iba ginagawang percussion instrument ang gitara, at tumutugtog nang direkta sa strings ng piano. Mayron pa ngang isang lalaki na ipininta ang isang buong pelikula sa video film mismo.

Sa buhay na ito, napansin ko, ang karamiha'y pinaglalaruan lang ng agos. Para bang kuntento na sila dahil iyun ang kinagisnan, gaya ng lola ko na di ko magawang papanuurin ng Pinyas en Perb. Pero merong ilang matatapang na tinataas lang ang hinlalato sa mga rules na ito at lumalangoy pataas ng waterfalls.

*clap, clap, clap* masubukan nga ulit kumain ng ayskrim mula baba hanggang taas.

"DI PALA KINAKAIN ANG ICE CREAM GAMIT ANG ILONG."


Napapansin nyo kung gaano kabobo kasarap sapakin ka-radikal ang mga obserbasyon ng inyong lingkod. Pero kung titingnan natin, mga hardcore "W.D." lang ang nangahas kahit kailan sigurong subukan ito.

Ang ice cream po, napapansin nyo, ay kinakain
gamit ang bibig.
Maidagdag ko lang na di rin kinakain ang napakasarap na ice cream gamit ang batok o pwet. Nakakita na ba kayo ng taong kumakain ng ice cream? Anong napansin nyo? Tama! Ang ice cream ay kinakain sa pamamagitan ng bibig! Ang galing nyo talaga mga dukha! Napatunayan na nga ito ng mga eksperto. Sa gilid ay nakakakita kayo ng isang .gif image na ipinapakita kung paano kinakain ang torbetet.

Pero, teka nga, ano ba ang ipinupunto ko dito?

Ang lahat ng tao, gustong maging masaya sa buhay. Bata pa nga lang, may pangarap na tayong binubuo, may ambisyon, at paghahangad sa isang maligayang bukas. Lahat tayo ganuon, aminin man natin o hindi. Lahat may pangarap kahit papano: maging astronaut, maging doktor, pulis, bumbero, writer, journalist. yung ibang W.D. minsan type maging sepulturero o tagapunas ng pwet ng artista pero anupamang kabalbalan maging ang pangarap mo, pangarap pa rin iyun--isang paghahanap sa kaligayahan.

See, I told ya!
May isa kong pelikulang narinig: "Saan Nagtatago Si Happiness?" na di ko napanuod, pero mukhang relevant sa paksang ito ang title. Lahat tayo gustong sumaya. Lahat tayo gustong "makain ang ice cream". Pero nagkakaiba lang sa paraang ginagamit natin. Yung iba, nagsisikap, naglalaan ng pawis at dugo, tiyaga at husay para makamit ang pangarap at kaligayahan. Kaya kadalasan natatamo nila yun. Pero ang nakakalungkot na parte, merong ibang sa maling paraan ito hinahanap. Sila ang mga Weirdong Dukha na sinusubukang kainin ang "ice cream" ng buhay gamit ang ilong, tenga, anit, kilikili, tuhod, paa. Gumagamit sila ng di-magandang paraan. Nanlalamang sila ng kapwa, naiinggit, at nanggagamit ng iba sa paniniwalang dadalhin sila ng landas na ito sa inaasam nilang lugar. Pero ano ba ang nangyayari sa taong kumakain ng ice cream gamit ang ilong? Ayun, nadudumihan, nayuyurakan, at most of all mukhang engot lang.

Balikan natin itong si Eddie O' Hare.

Wala ring saysay ang kayamanan sa huli.
Isa syang abogado na ang tungkulin ay ipagtanggol ang batas. Pero nang maging kakilala nya si Al Capone, naging iba ang turing nya sa trabaho nya kapalit ng kayamanan. Binaluktot nya ang batas para mapangalagaan si Capone at ang mga kabulastugan nito. Oo nga't yumaman sya dahil rito, pero ano bang nangyari? Ayun, nagtaksil sya sa gangster at nang makulong na ito, ang mga tauhan nya ang gumalaw para todasin sya. Wala ring saysay.

Iyun ang trahedya ng mga "kumakain ng ice cream gamit ang ilong". Pero ba't di mo i-try hanapin ang kaligayahan at ang mga pangarap mo sa tamang paraan? Mas malalasap mo ang tamis na iyon at ang sarap na nakamtan mo'y di lang sa kasalukuyan, kundi hanggang wakas.


"MAS MASARAP ANG ICE CREAM [IN FACT, KAHIT ANO] KUNG ISHE-SHEYR MO SA IBA."



Lecheng Instagram.
Ah, di ko ibig sabihin na isheyr mo ang pagkain mo gamit iyang hinayupak na talipandas na Instagram na yan. Walang mapapala ang madla kung malaman nilang kumakain ka ng sandamukal na Magnum Ice Cream. Wala. At wala silang pake kasi di sila kakain nun. Parang buhay lang.


Walang saysay ang buhay mo nang mag-isa ka lang. "No man is an island," paulit-ulit na banggit ng mga talipandas na dukha na gustong magpaka-deep. Pero nakakaumay man, totoo ang ibig sabihin nitong kasabihang ito. Ano ka ba kung wala ang ibang tao? Ano ka ba kung ikaw lang mag-isa ang tatayo sa sarili mong mga paa? Si Newton nga (na umimbento ng powtek na calculus kasi bored lang sya) sinabing kung mas malayo ang natatanaw nya, iyo'y dahil sa nakatungtong sya sa balikat ng mga dambuhala.
Share! Share! Share!

 E pano pa kaya tayong normal na dukha lang? Wala tayong kakayahang mag-isa. Ewan ko sa mga ermitanyo, pero, in general, lahat tayo ay parte ng isang kabuuang tinatawag na sangkatauhan.

Mas masarap ang buhay sa piling ng pamilya at ibang tao. Mas totoo ang ngiti at bungisngis. Mas masarap hatian sila sa ating "ice cream", para hatian rin nila tayo sa kanila. Yung iba nga dyan, talagang walang paki sa sarili, basta makatulong sa iba. Mga sundalo, por eksampol. Nalalayo sila sa pamilya nila para siguraduhing ang ibang mga pamilya e di magambala ng kaguluhan sa matagal nang nagkandalechelecheng mundo. Mga OFW, syempre. Mga seamen at DH na sumusuong sa iba't ibang pagsubok, pisikal at emosyonal, para lang may maipakain sa pamilya. Pagod at sakit? Wala sa kanila yan kung para naman sa mga anak nila. Haha, para na bang trapo ang stayl ng pagsusulat ko? Sorry ha! Nakakadala lang. Pero, o, di ba? Yun yung mga taong nag-aalay ng sariling buhay sa iba. Di lang nila sila hinahatian ng "ice cream", kundi talagang buong-buo nila itong ibinibigay.

Alam nyo yung popsicle na dalawa ang sticks? Sa tingin ko pinaghahatian yata ng dalawang tao yun, kung di lang naman obyus. Siguro sumisimbolo ito na ang buhay ay di isang one-way road lang. Isa itong abalang lansangan at kailangan mo lagi ng kaakbay. O minsan naiisip ko rin na baka nagcocost-cutting lang sila sa packaging at imbes na 1 pack is to 1 popsicle e 1 pack is to 2 popsicles na. ^_^


Pero gayunpaman, ang buhay ay buhay. Maaaring gumamit ako ng malulupet na metaphor tulad ng malinamnam kong ice cream para i-describe ito, pero mananatili itong misteryo. Walang nakakaalam at walang makakapagsulat talaga ng buong-buo tungkol rito, at ang mga nakasaad sa post na ito ay mga kuro-kuro lamang ng isang tinedyer na masyadong madaming gustong idaldal kaya naman nagbukas sya ng isang blog.

God bless everyone. ^^

4 (na) komento: